Canon SX100IS, 1/8, f4.3, no-flash, 60mm, ISO 800
Dahil masyadong malikot at magaslaw ang batang ito, at dahil mahigit sa limampung metro ang layo ko nang kunan ko sila ng litrato, medyo malabo ang larawan na nakikita ninyo. Ang batang babae ay anak ng isang sikat na mang-aawit na nadalaw minsan sa Pilipinas para magtanghal. Habang hindi pa nagsisimula ang palabas, napansin ko ang batang ito na walang pagod na tumatakbo at naglalaro sa entabladong pagtatanghalan. Tumigil lamang siya at tila ba huminahon nang dumating ang kanyang ama at siya ay hinawakan. Ganyan ang tingin ko sa mga tatay --- sila ang mga dakilang alalay, handang gumabay sa mga anak nila, malikot man o hindi.
ENGLISH - The photo appears blurry because it was shot from a distance of more than fifty meters and the young girl was being mischievously playful all the time. She is the daughter of a famous singer who recently visited the Philippines for a concert. While the show was about to begin, I noticed how she ran and ran across the stage. She only stopped when the hand of her father grabbed her. This is how I see what fathers are in our lives --- honorable guardians who will always be ready to guide their kids, whether mischievous or not.
FRENCH - La photo apparaît parce qu'elle a été tirée d'une distance de les plus de cinquante mètres troubles et la jeune fille était malfaisant espiègle toute l'heure. Elle est la fille d'un chanteur célèbre qui a récemment visité les Philippines pour un concert. Tandis que l'exposition était sur le point de commencer, j'ai noté comment elle a couru et a couru à travers l'étape. Elle s'est seulement arrêtée quand la main de son père l'a saisie. C'est comment je vois quels pères sont dans nos vies --- gardiens honorables qui seront toujours prêts à guider leurs enfants, si malfaisant ou pas.

16 comments:
haha dakilang alalay ...maganda lahok at kakaibang paningin naman ito
maligayang araw ng huwebes... :)
Agree ako sa iyo. Malaki ang naidudulot ng mga ama sa buhay ng mga bata lalo't-lalo na sa paggabay nito sa paglaki.
Maligayang LP!
naging parang painting. :) ano kaya itsura ng tatay ng batang babae sa litrato mo?
mga amang gumagabay :)
magandang larawan kahit malabo! maligayang araw ng huwebes sayo ^_^
LOL! totoo ka... ang asawa ko ang dakilang alalay (at kabayo) ng aming anak na lalaki...
ang sarap ng pagkahawak nila ng kamay..
sana lang nababasa ko rin ang french translation.. hi hi
Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)
hala bawal kasi ang magulo eÜ
dapat ang mga ama..marunong din ng tamang pagdisiplina sa mga anak nilaÜ
iba talaga ang disiplina ng mga tatay :)
aww... how sweet. ^^
maganda pa rin ang epekto sa larawan kahit na magalaw ang subject. parang may pagka-abstract tuloy ang dating. kuhang-kuha pa rin ang emosyon. gusto ko ang larawang ito. :)
maligayang paglilitrato! :)
oo nga naman. hindi natin masyadong pansin ang kanilang ginagawa pero kung iisipin, mas naging magaan ang buhay kung andyan sila.
ang ganda ng interpretasyon mo!
maligayang LP
Ayos, at least, kahit paano, na'feel" ng bata ang pag-akyat sa stage gaya ng kanyang ina.
Nagiging alalay dahil sa pagmamahal..mabuhay ang mga ama!
nakakarelate ako sa tatay - madami kaming eksenang ganyan sa daan...
:)
happy lp!
Post a Comment