Canon SX100IS, 1/125, f4.3, 60mm, no-flash, ISO 200
Sabi nila, mabilis mo daw mararamdaman ang kahalagahan ng isang bagay kapag ito ay nawawala sa iyo. Ang tingin ko, totoo lang ito sa una. Kapag nalugmok ang bayan sa napakatagal na panahon ng pananakop, ito ay napapagod din at nasasanay maging isang alipin. Bagamat masasabi nga siguro na malaya tayo ngayon, ang araw-araw na hirap at pasakit na nararamdaman ng maraming mamamayan natin ay nagbibigay ng bagong kulay sa tunay na kahulugan at tamis ng kalayaan.
ENGLISH - Some people say one gets to appreciate the value of things only when they disappear. In my opinion, that is true only in the beginning. When a suffering country has been held captive for a long time, it grows weary, and becomes used to the life of a slave. While it can indeed be claimed that we are a free country today, the torment and burden felt by citizens everyday give a whole new color to the meaning of freedom.
FRENCH - Certains disent qu'on finit par apprécier la valeur des choses seulement quand elles disparaissent. À mon avis, c'est vrai seulement dans le commencement. Quand un pays de souffrance a été jugé pendant longtemps captif, il se développe las, et devient utilisé à la vie d'un esclave. Tandis qu'il peut en effet réclamer que nous sommes un pays libre aujourd'hui, le feutre de supplice et de fardeau par des citoyens journaliers donnent une nouvelle couleur entière à la signification de la liberté.

26 comments:
Another deep and insightful entry, Dr Emer, and with a very vibrant photo to boot! Great job! More posts to come...
maganda ang larawan maganda rin ang nilalaman...
ibon na walang layang lumipad, wawa naman
Haay...thought-provoking post.
maganda at makatotohanang lahok..
poor bird
Dr Emer, ang ganda ng iyong litrato... mukhang malalim ang iniisip ng ibon. Sabagay, kung ako rin siguro ang nakakulong eh ganyan din ang gagawin ko.
Happy LP!
Isang bagay na dapat pag-isipan, "Ibon mang may layang lumipad..." Hindi ba ganyan yung awitin ni Freddie Aguilar? (Tama ba?) Happy LP!
nakakulong na ibon... tunay na walang laya...
true... the struggles seem to never end.
magandang huwebes sa'yo...
kay ganda talagang kunan ng larawan ang mga ibon...ngunit mukha palang talagag malungkot sila kapag nasa hawla.
ok ang picture...pati na ang caption may french pa...galing naman...:)
happy huwebes...:)
bakas ang lungkot sa mata ng ibon
ang galing mo magsulat! hanga ako =)
gandang araw ng LP sa iyo
alam nyo, tuwing naririnig ko ang kantang "bayan ko", naluluha pa din ako. magandang pagsasalarawan ng talagang nangyayari sa ating bayan.
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
ang lalim! pero napakahusay!
napaka profound ng eksplenasyon. maganda din ang larawan.
ganda nang kuha pati ang makahulugang akda. :)
unang pagkakataon ko itong mabisita ang iyong site...
isang mapagpalayang araw sa iyo, dr. emer!
Marami pong salamat sa inyong lahat!
Maligayang kaarawan ng kalayaan! Nawa ay maging malaya na tayo nang tuluyan.
Nakakaawa ang ibon. Parang gustung-gusto na niya makatakas.
Paliparin ninyo ako
Pakibuksan ang hawla
Pakitingnan ang mga pakpak kong
nawawalan ng lakas
nawawalan ng gamit
nawawalan ng buhay
nawawala ang buhay
ko, ibong hindi makalipad,
ibong nawalan ng layunin,
ibong nais makalaya
pataas
pataas.
Kawawang ibon...nakikita ang lahat sa kanyang kapaligiran ngunit ni hindi naman makalabas sa kinaroroonan. Napakaganda ng pagkakuha!
Totoo nga ang mga sinabi mo sa iyong akda. At magaling din ang interpretsayon mo para sa tema ngayong linggo.
Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!
http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html
ang ganda ng kuha, para syang nagpipilit makalabas, at tama pag nakasanayan na ang hawla, habang tumatagal ay tatanggapin na lang ang kalagayan... nakakalungkot kaya dapat gisingin ang ating diwa.
happy lp!
state of mind na lang kaya ang kalayaan para sa nakararami? isang konsepto na malayo sa katotohanan? wag naman sana... :)
hindi lang maganda ang lahok mo ngayon doc emer, naniniwala rin ako sa lahat ng isinulat mo.
happy weekend, doc emer!
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
Maraming salamat po ulit sa inyong lahat!
Maraming salamat sa iyo, kaibigan Toni, sa madamdamin mong tula.
ang ganda ng iyong lahok! gustong-gusto nya ng lumaya!
Post a Comment