Kodak M853, 1/265, f3.4, -0.7EV, 54mm, no-flash, ISO 80
Ang pag-iisang dibdib ay isang napakakulay na karanasan para sa magsing-irog. Ito ay nagpapayabong ng diwa at nagbibigay daan para sa mga pangarap na maging ganap na katotohanan. Noong isang taon, habang namamasyal kami ng aking kabiyak sa Venice, kami ay natigilan (gaya din ng mga iba pang mga turista sa paligid namin) nang masilayan namin ang dalawang taong balot na balot ng mga dilaw na kasuotan. Sila ay may dalang camera at tripod, at sa bawat mahalagang kanto ng Venice, sila ay tumitigil, at nagpapakuha ng litrato. Lahat halos ng tao, pati kami ay nabighani sa kanilang ginagawa. Bakit nila ginagawa ito? Mga artista ba sila? Sa larawan sa itaas, matapos silang magpakuha sa tapat ng Ponte di Rialto, ako ay naglakas ng loob na alamin kung ano ang ginagawa nila doon. Sila pala ay kakakasal lamang at sila ay taga-Vietnam. Matagal na nilang gustong makarating ng Venice at ipinangako nila sa isa't-isa na kapag sila ay nagpakasal, sila ay pupunta dito at magpapakuha ng litrato sa iba't-ibang panig nito suot ang kanilang pambansang kasuotan. Ang galing, ano? Tunay na pag-ibig!
ENGLISH - Getting married is a very colorful event. Last year, while my soulmate and I were in Venice, we saw this odd couple dressed in yellow going around, stopping along important landmarks, and having themselves photographed using a sophisticated camera they brought along. After they took a picture of themselves near Ponte di Rialto, I took the courage to interview them. They said they were from Vietnam, and their costume is traditional Vietnamese wedding attire. Why were they doing this? They said this was their dream before they got married, and they were in the process of making it come true. True love makes you do these things.
FRENCH - Le mariage est un événement très coloré. L'année dernière, alors que mon épouse et moi étaient à Venise, nous avons vu ce couple impair habillé dans circuler jaune, s'arrêtant le long des bornes limites importantes, et elles-mêmes après avoir photographié utilisant un appareil-photo sophistiqué qu'ils ont apporté le long. Après qu'ils aient pris une photo d'eux-mêmes près de Ponte di Rialto, j'ai pris le courage de les interviewer. Ils ont dit qu'ils étaient le Vietnam, et leur costume est vêtement traditionnel de mariage de Vietnamese. Pourquoi faisaient-ils ceci ? Ils faisaient un rêve viennent vrai. Seulement l'amour vrai vous fera font des choses folles, et ceci, je crois, suis amour vrai en effet !
ENGLISH - Getting married is a very colorful event. Last year, while my soulmate and I were in Venice, we saw this odd couple dressed in yellow going around, stopping along important landmarks, and having themselves photographed using a sophisticated camera they brought along. After they took a picture of themselves near Ponte di Rialto, I took the courage to interview them. They said they were from Vietnam, and their costume is traditional Vietnamese wedding attire. Why were they doing this? They said this was their dream before they got married, and they were in the process of making it come true. True love makes you do these things.
FRENCH - Le mariage est un événement très coloré. L'année dernière, alors que mon épouse et moi étaient à Venise, nous avons vu ce couple impair habillé dans circuler jaune, s'arrêtant le long des bornes limites importantes, et elles-mêmes après avoir photographié utilisant un appareil-photo sophistiqué qu'ils ont apporté le long. Après qu'ils aient pris une photo d'eux-mêmes près de Ponte di Rialto, j'ai pris le courage de les interviewer. Ils ont dit qu'ils étaient le Vietnam, et leur costume est vêtement traditionnel de mariage de Vietnamese. Pourquoi faisaient-ils ceci ? Ils faisaient un rêve viennent vrai. Seulement l'amour vrai vous fera font des choses folles, et ceci, je crois, suis amour vrai en effet !
27 comments:
ok ah...mag pa picture sa bawat mahalagang kanto...super excited nga sila sa tanawin ng Venice...pero mas exciting ang haharapin nilang buhay... buhay may asawa.
Happy LP
ang galing naman ng ginawa nila :) at ang ganda ng kuha mo sa litratong ito.
oo nga ang galing ng ideya nila! naku! di na kaya ng powers ko yan kasi di na ko kasya sa aking damit pangkasal...
happy LP!
magandang ideya ito ah...magawa nga...haha! mabuti nalang at naglakas loob kang alamin ano...
Ang gaganda ng ngiti nila, ngit ng pag-ibig! Magandang portrait nila ang pagkakakuha mo!
hi dr emer! marahil ay di mo na ako naalala. :D ang blog ko ay www.marikit.net, si christine po :)
maligayang pagsali sa LP! ang ganda ng litrato.. di ka lang pang medicine, pang photography pa.
ang ganda! :)
buti pa sila nasusuot nila ang kanilang pambansang kasuotan sa mga ordinaryong araw... ilan kaya sa mga pinoy ang may pambansang kasuotan? hmm...
huwaw, honeymoon:D Nakakatuwa naman, ako kaya. hala, anu ba itong iniisip ko, hehehe.
Di lang tunay na pag-ibig, tunay na makabayan pa! Mag-national costume ba habang nasa Venice - wagi talaga! :)
Happy Huwebes!
ang galing! kitang-kita ang kultura sa kanilang kasal!
magandang huwebes sa'yo!
ang galing naman. halatang halata sa maga ngiti nila na talagang mahal na mahal nila ang isa't isa. at "proud" sila sa kanilang kultura :D
Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Jeannycdj.com - Tama! Tunay na mas makulay ang pakikipagsapalaran na haharapin nila bilang mag-asawa.
Linnor - Hahaha! Salamat. Sinabayan ko lamang ang ginagawa nilang self-portrait.
Teys - Hanga din kami sa lakas ng loob nilang dalawa. Ang galing talaga ng gimik nila!
Ces - Oo! Hindi ko mapapalampas ang araw na yun na di ko sila natatanong bakit nila ginagawa yun. May transport strike pa noon sa Venice, alam mo ba? Kaya doble ang sakrispisyo na ginawa nila. Bow talaga ako sa dalawang ito!
Mirage2g - Salamat! Ang panalangin ko ay makita nila ito sa Net at kontakin nila ako. Nakalimutan ko kasing hingin ang contact details nila.
Tin - Oy, kamusta na? Paano ko malilimot ang matalik na kaibigan ni Jay at ni Toni? Napapag-usapan ka namin kapag kami ay nagkikita-kita.
Betchay - Yan nga din ang iniisip ko. Hamo, kapag ginawa namin ng kabiyak ko, siguradong malalaman nyong lahat dahil ipo-post ko din mga larawan namin dito. LOL!
Komski Kuno - Hahahaha! Pareho tayo ng iniisip.
Pinky - Bihirang makita ang dalawang katangian na yan sa isang mag-asawa, ano? Ang pagmamahal ng wagas sa isa't-isa, gayun din ang pagiging makabayan saan man makarating.
Lidsü - Kultura at pag-ibig. Kay gandang kombinasyon. Magandang Huebes sa yo at sa inyong lahat!
Salamat sa pagdalaw. Next week ulit! =)
kakatuwa naman. kaya pala nasa likod ang kamay ni MR...tinatago ang remote :) gawain din naming pamilya ito ang kuhanan ang aming sarili gamit ng tripod at ang remote.
sariling sikap :)
masayang Huwebes na naman!
ang ganda ng naisip nilang idea lalo na para sa album nila :)
wow! sobrang galing! napaisip tuloy ako kung saan ko talaga gusto pumunta pagkatapos ng kasal ko (ang naiisip ko pa lang ang tour ng ilang bahagi ng Asya, hahah!)
buti na lang natanong mo sila kung bakit sila nagpapakuha ng larawan. :)
tunay na pag-ibig nga. nakakatuwa sila at ang ganda ng kanilang kasuotan. :)
hapi huwebes!
Sumpaan
Abay
nakatutuwang tignan ang mga ikakasal na nakasuot ng tradisyunal na damit. ang galing nito!
Ang aking LP ay naka post na rin:
Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.
Salamat!
ang ganda ng litrato mo. mukhang masayang-masaya talga sila.
Dr. Emer, salamat sa Litratong Pinoy nalaman kong may photo blog ka pala. Ang gaganda ng kuha mo. Mahusay ag layout. Magandang Hwebes.
ang galing ng ginawa nila, sinunod talaga nila ang dream nila. :) i'm sure magiging masaya ang pagsasama nila dahil pareho silang naniniwala sa pag-abot ng pangarap kahit mahirap ito. :)
MyMemes: LP Kasalan
MyFinds: LP Kasalan
Cookie - Napansin mo din ba ang abra-siete nila?
Reflexes - Remote pala yun! Ngayon alam ko na!
Dyes - Kakaiba talaga!
Ayen - Magpupunta ka ba ng ibang bansa tulad ng mga lugar sa Europa na naka-pambansang kasuotan?
MunchkinMommy - Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Shutterhappyjenn - Kahit siguro matagal ng kasal ay puede pa din gawin ito.
asecretplace - that is the miracle of true love.
Em Dy - salamat! pareho pala tayo ng hilig gawin.
Meeya - I agree! Compatible talaga sila.
Wow ! Emer, il y a si longtemps que je ne suis pas passée te voir. En ouvrant ta page, j'ai pensé que le costume traditionnel philippin ressemblait for au costume vietnamien et j'ai eu l'explication en te lisant...
Ma mère avait une robe blanche vietnamienne pour son mariage et mon père portait un costume blanc européen. Ils étaient très beaux tous les deux.
Je me dis que des Venise il y en a aussi au Vietnam, comme il y en a en Chine ou aux Philippines.
De nos jours, on n’hésite plus à faire des milliers de kilomètres. Je reviens de Californie, l’un de nos cousins (sa mère est française et son père américain) a épousé une jeune fille chinoise. Il y a eu un mariage en Chine puis un mariage en Californie.
Ainsi toi aussi tu es marié. Je me souviens que tu parlais de ta bonne amie. Tu te souviens, elle était sous une pile de livres qui s’écroulait.
ayos ah... galing naman nila...
pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)
Cergie - Je vous manque ! C'a été un long temps depuis que je vous ai vu ici. En outre, je suis désolé pour ne pas visiter votre blog. Mais je bientôt.
Je suis également heureux vous me rappelle la belle dame qui fait mon coeur voler. Oui, elle est celle dans la photo précédente avec les livres s'effondrants.
Comme vous, je trouve les costumes vietnamiens de mariage comme très élégants et colorés. Oui, il y a eu beaucoup de choses qui se sont produites puisque nous avons pour la dernière fois communiqué.
L'amour vrai a fleuri et il est disposé de croiser des mers et des milliers de milles pour célébrer sa naissance. J'ai été amoureux l'amour et chaque minute de lui !
Lino - Salamat po sa pagdalaw!
huwaw! magaling na lahok ito! happy lp!
npakasweeeeet naman nila!!! gusto ko un damit nila ha.. matingkad and parang espesyal talaga. :)
wat a place! isa sa mga pinakaromantic place ang kanilang napili. nice shot! happy lp.
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/06/lp-10-pag-iisang-dibdib.html
Post a Comment